^

Metro

Tren ng PNR nadiskaril

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines – Nalagay sa panga­nib ang buhay ng 120-pasahero ng tren ng Philippine National Railways (PNR) makaraang madiskaril ang isang bagon dulot umano ng napakatinding init ng panahon kahapon sa Muntinlupa City.

Wala namang na­sak­tan sa mga pasa­hero ng tren na nag­mula sa Laguna pa­tungo sa Tutuban Station ma­karaang agad na makapag-menor ang operator nito bago tuluyang nadiskaril ang mga gulong na bakal sa riles.

Sinabi ni Paul de Quiroz, tagapagsalita ng PNR, naganap ang insidente dakong alas-11 ng tanghali sa pagitan ng Sucat at Alabang Station sa Brgy. Cupang, Muntinlupa City.

Inilarawan ni De Quiroz ang naganap na problema na rail expansion o paglaki ng agwat ng bawat bakal na riles ay dulot ng matinding init ng araw kahapon na sinasabing 36 degrees celcius ang init na naitala ng Pagasa.

Agad naman uma­nong napansin ng ope­­rator ang problema kaya nagawa nitong mapabagal ang takbo ng tren ngunit tuluyang nadiskaril ang dalawang gulong na bakal ng isa sa mga bagon nito.

Pansamantalang naantala ang biyahe ng PNR kung saan inum­pisahan muna ang biyahe sa Sucat patungo sa Laguna at Kabikulan.

Pansamantala namang inilipat ang mga pasahero sa train na nag­tungo hanggang Sucat Station na maghahatid sa kanila sa Tutuban Station sa Tayu­man, Tondo.

ALABANG STATION

BRGY

CUPANG

DE QUIROZ

MUNTINLUPA CITY

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS

SHY

SUCAT

SUCAT STATION

TUTUBAN STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with