Cancer patient may pag-asa pa

MANILA, Philippines - May pag-asa pang gumaling ang mga cancer patient sa bansa kasabay ng bagong tayo na Guangzhou Modern Cancer Hospital sa Maynila. Sa ginanap na press conference, sinabi ni He LangBing, general manager ng naturang ospital, kakaiba ang paggagamot sa tumor at sakit na kan­ser kung kaya’t nabibigyan pa ng pag-asang humaba ang buhay ng mga cancer patient. Paliwanag ni He LangBing na ang sistema ng paggagamot dito ay kombinasyon ng tradisyunal at Chinese medicine mula sa ginawang clinical research. Sa nasabing ospital at teknolohiya, kayang patayin nito ang tumor nang hindi naaapektuhan ang iba pang tissues ng balat. Hindi lamang layon ng Guangzhou Modern Cancer Hospital at teknolohiya na maagapan ang sakit kundi maipakita at maibahagi ang makabagong sistema upang labanan ang nasabing sakit.

 

Show comments