^

Metro

Militante utak ng karahasan sa mga demolisyon - NCRPO

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isinisisi ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang nagaganap na mga karahasan sa mga demolisyon dahil sa pang-uudyok umano ng mga militanteng grupo na nagkukun­waring tagapagtanggol ng mga maralita.

Inihalimbawa ni NCRPO chief, Director Alan Purisima ang naganap na karahasan sa Silverio Compound kung saan posibleng inudyukan ng mga militante ang mga residente na manlaban kahit na nakipag-ugnayan na ang sheriff ng Parañaque Regional Trial Court na ta­nging ang talipapa lamang ang idi-demolish at hindi ang kanilang mga kabahayan.

Sa kanilang monitoring, tatlong militanteng grupo sa pangunguna ng Kadamay ang kasama ng mga residente sa Silverio Compound na siyang nangunguna sa kanilang mga programa at sumisira sa dayalogo sa mga otoridad.

Ganito rin umano ang sit­wasyon sa iba pang mga de­molisyon sa Quezon City, San Juan at Taguig kung saan pinapasok ng mga militante ang mga organisasyon ng mga idi-demolish na lugar at hihikayatin na manlaban sa demolition team.

Gayunman, iginiit ni Purisima na hindi niya kukunsintihin ang mga pulis sakaling mapatunayang nagpaputok ito ng baril. Sinabi nito na ba­gama’t sang-ayon siya sa pagdadala ng baril sa demolisyon, dapat umano na gamitin lamang ito bilang “self-defense”.

 Dagdag pa ni Purisima, walong baril ng mga pulis na kasama sa demolisyon ang nasa crime laboratory pa rin para suriin habang ang mga nahuling residente ay nagpositibo sa nitrate residue na nangangahulugang nagpapaputok ito ng baril.  Ito’y sa kabila ng pag-amin na ng walong pulis-SWAT na nagpaputok nga sila dahil umano sa pagtatanggol sa sarili at pagtatanggol sa mga sibilyan.

DAGDAG

DIRECTOR ALAN PURISIMA

GANITO

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

PURISIMA

QUEZON CITY

REGIONAL TRIAL COURT

SAN JUAN

SILVERIO COMPOUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with