^

Metro

3 pulis sabit sa hulidap

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Sabit na naman sa hulidap ang mga tauhan ng Manila Police District-Station 5 nang maghain ng reklamo ang dalawang Muslim vendor na kinuhanan umano ng P150,000 nang sitahin sa isang checkpoint, sa bahagi ng Malate, Maynila, may ilang linggo na ang nakalilipas.

Batay sa ulat ni PO3 Donald­ Panaligan ng MPD-GAS, ipinagharap na nila ng reklamong robbery extortion sa Manila Prosecutor’s Office sina SPO2 Christopher Llanez, PO3 Carlos Rivera at PO1 Jaycee John Galutera, na itinuturong responsable umano sa pagtangay ng na­sabing halaga mula sa com­plainants na sina Malic Hakim, 32, vendor ng Pa­lanca St., San Miguel, Maynila at Larry Sultan, 35, vendor ng San Miguel, Maynila.

Sinabi ng mga biktima na ang pera ay puhunan at kinita ng kanilang mga pa­ninda at hindi nagmula sa iligal na gawain kaya nang sitahin sa checkpoint dahil sa hindi pagsusuot ng helmet ay hindi naman umano tama na kum­piskahin at hindi na isoli sa kanila ang pera.

vuukle comment

BATAY

CARLOS RIVERA

CHRISTOPHER LLANEZ

JAYCEE JOHN GALUTERA

LARRY SULTAN

MALIC HAKIM

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MANILA PROSECUTOR

MAYNILA

PANALIGAN

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with