^

Metro

Nang-agaw ng baril dedo sa pulis

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang lalaki na inaresto dahil sa paglabag sa batas trapiko at iligal na droga ang nasawi matapos na mabaril ng isa sa mga pulis na umaaresto sa kanya makaraang mang-agaw ito ng baril habang dinadala sa himpilan ng pulisya sa lungsod Quezon kahapon.

Ayon kay SPO1 Joselito Gagaza, napilitang barilin ng mga awtoridad ang suspect na si Ramil Oca, 44, ng Antipolo City matapos na mang-agaw ng baril at tangkaing ma­maril ng awtoridad sa panu­lukan ng EDSA at Kamuning Road ilang hakbang ang layo sa Kamuning Police Station, ganap na alas-9 ng umaga.

Bago ang insidente, ina­resto ng tropa ng Quezon City Police District’s Anti-Carnapping Unit (QCPD-DACU) na nagsasagawa ng Oplan Sita laban sa mga magnanakaw ng motorsiklo, si Oca sa may bahagi ng Muñoz.

Sinabi ni Gagaza, na si­nita si Oca at napatunayang nagmamaneho ito ng motor­siklo na peke ang lisensya at plaka bukod pa sa pagkakadis­kubre ng isang sachet ng shabu sa katawan. Agad na dinala ng mga awtoridad ang suspect sa Kamuning Police Station para maipa-medical check-up at ma­imbestigahan.

Nang makarating sa Kamuning Police Station ang suspect sakay ng mobile car at kasama sina PO1 Carlos Lignos, PO2 Genaro Diego, at PO3 Emmanuel Allarde ay bigla na lamang tumakbo papatakas, pero hinabol siya ng mga pulis.

Habang pinoposasan si Oca ni Diego ay pumalag ito at dinakma ang baril ng huli, saka tinangkang barilin si Allar­de, pero mabilis na kumilos si Lignos at  binaril siya sa katawan.

vuukle comment

ANTI-CARNAPPING UNIT

ANTIPOLO CITY

CARLOS LIGNOS

EMMANUEL ALLARDE

GENARO DIEGO

JOSELITO GAGAZA

KAMUNING POLICE STATION

KAMUNING ROAD

OPLAN SITA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with