Trader hinoldap: 3 utas

MANILA, Philippines - Tatlo-katao ang iniulat na nasawi habang isa pa ang nasugatan sa madugong daylight robbery sa loob ng Pasig City Public Market kahapon ng tanghali.

Kinilala ni Eastern Police District director P/Chief Supt. Miguel Laurel ang mga napatay na sina Ruel Malimban, Jonathan Mariano at Juanito Molina

Samantala, idineklarang out of danger­ naman si Gibson Urban sa Rizal Medical Center.

Arestado naman ang isa sa tatlong holdaper na si Rey Rufino, tubong Paniqui, Tarlac kung saan nasamsaman ng cal .45 pistol at P112,000 cash mula sa hinoldap na negosyante.

Base sa police report, naganap ang insidente dakong alas-11:45 ng tanghali sa  Meat section ng Mutya ng Pasig Public Market na nasa Pasig Government Center.

Sinasabing nagkaroon ng barilan sa loob ng palengke matapos tulungan ng mga biktima ang negosyante na hinoldap ng mga armadong kalalakihan kaya sila pinagbabaril.

Tugis naman ng pulisya ang dalawa pang holdaper na nakatakas.  

Show comments