^

Metro

2 huli sa nakaw na motorsiklo

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang dalawang lalaki habang nagsasagawa ng transaksyon sa  bentahan ng nakaw na motorsiklo sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng gabi. Sinabi ni C/Insp. Ariel Caramoan, hepe ng MPD-Anti-Carnapping and Hijacking Section, ang mga naares­tong sina Joe Raffy Pera ng #456 Bayanihan cor. Mulawin Sts., Maricaban Pasay City at buyer na si Jomar Abrasaldo,  ng #568 Arquiza  St,. Ermita, Maynila ay agad ding inilipat sa kustodiya ng  Pasay City Police bunsod ng reklamong idinulog doon ng  isang Nicolas Pata Jr., nagmamay-ari ng narekober na  Honda XRM (3808-PN) na tinangay sa tapat ng kanyang bahay sa Maricaban, Pasay City. Umaksiyon ang mga tauhan ni Caramoan nang makatanggap ng impormasyon sa nagaganap na bentahan ng motorsiklo na umano’y nakaw sa halagang P15,000. Sina  PO3 Edgar Julian at PO2 Rocky Aguirre ang dumampot sa dalawa habang nagbabayaran.  

vuukle comment

ANTI-CARNAPPING AND HIJACKING SECTION

ARIEL CARAMOAN

EDGAR JULIAN

ERMITA

JOE RAFFY PERA

JOMAR ABRASALDO

MANILA POLICE DISTRICT

MARICABAN PASAY CITY

MAYNILA

MULAWIN STS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with