^

Metro

794 inmates ng MCJ nagparehistro sa Comelec

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Tiniyak ng  Manila City Jail (MCJ) na maka­boboto na sa  May 2013 elections ang  mga in­mate dito matapos na isagawa ang  registration na sinaksihan ng mga opisyal  ng  Commission on Elections (Comelec) at barangay.

Ayon kay MCJ Warden Sr. Supt. Ruel Rivera, umaabot sa 794 inmates ang nakapagparehistro at handa nang iboto ang kanilang mga pagkaka­tiwalaang mamumuno sa bansa sa susunod na taon. Sinabi  ni  Rivera na 1116 pang mga inmates ang nakatakdang  magparehistro sa susunod na buwan. Umaabot sa 1910  ang registrants ng MCJ.

Nabatid na ang mga detainees ay kinabibilangan ng  513, District 1; 376, District 2;  304,  District 3; 255, District 4; 291, District 5; at 171 sa District 6. Paliwanag ni Comelec Commissioner Rene Sarmiento, may karapatan pa rin ang mga inmates na bumoto at hindi maaaring ipagkait ito sa kanila. Kasama ni Sarmiento sina Atty. Jubil Surmieda, Director III, Comelec NCR Atty. Rafael Olano, Asst. Director Comelec NCR at Brgy. Chairman Thelma Lim ng Brgy. 310 Zone 31. 

BRGY

CHAIRMAN THELMA LIM

COMELEC

COMELEC COMMISSIONER RENE SARMIENTO

DIRECTOR COMELEC

JUBIL SURMIEDA

MANILA CITY JAIL

RAFAEL OLANO

RUEL RIVERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with