Daga-daga gang umatake sa Mandaluyong City
MANILA, Philippines - Isang grupo ng Daga-daga Gang ang sumalakay sa isang pawnshop sa Mandaluyong City kamakalawa ng umaga.
Base sa reklamo ni Domingo Papa, 76, negosyante, natuklasan niya kamakalawa ng alas-8:30 ng umaga ay napasok ng mga kawatan ang kanyang V.M. Pawnshop na matatagpuan sa Martinez St., Brgy. Plainview, at natangay ang mahigit sa P.3 milyong halaga ng mga alahas, cellphone at laptop.
Sinabi ni Papa na dumaan ang mga suspect sa imburnal at humukay sa ilalim ng kalsada patungo sa kanyang pawnshop.
Sa pagsisiyasat ni SPO1 Emmanuel Ermino ng Criminal Investigation Unit (CIU), nabatid na matagumpay na nabuksan ng mga suspect ang vault ng pawnshop at tinangay ang lahat ng kanilang mapakikinabangan.
Nakita sa crime scene ang mga iniwang damit ng mga suspect ganun din ang ginamit na bareta sa paghuhukay ng lupa at isang jack.
- Latest
- Trending