^

Metro

Baseco residents bibigyan ng bahay

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Tahasang sinabi ni Manila Mayor Alfredo S. Lim na matatapos na ang pagtitiis ng mga residente ng Baseco Compound sa Tondo, Maynila dahil sa planong pagbabagong anyo ng  lugar at mga kabahayan.

Ayon kay Lim, plano ng administrasyong Aquino ang pagpapa­tayo ng two-storey concrete homes para sa  mga residente ng Baseco upang  ma­ging maayos ang pamu­muhay ng mga ito.

Ang pahayag ni  Lim ay kasabay ng  inagu­rasyon ng bagong aspaltong kalsada kasama sina  chief of staff at media­ bureau chief Ric de Guzman, city councilors Josie Siscar, Lou Veloso at Joey Uy at barangay chairman Kristo Hispano.

Layon ng pag-as­palto ng mga daan sa Baseco na  maging ma­ayos ang daanan ng mga sasakyan.

Nabatid kay Lim na nakipag-usap na rin siya sa mga kinatawan ng National Housing Autho­rity upang agad na ma­isagawa ang proyekto kung saan ang bawat bahay ay may sariling kasilyas upang mapanatili ang kalinisan ng  Baseco. Hindi na itatapon kung saan-saan ang ka­nilang mga basura at mga dumi.

 “Kayong mga taga- Baseco ang pinakama­swerteng tao sa admi­nistrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino. Sa ka­utusan niya na paganda­hin pa lalo ang Baseco, ipinadala niya ang De­partment of Interior and Local Government (DILG) at NHA officials para pag-aaralan ang gagawing pagbabago at ang pagpapatayo ng da­lawang gradong bahay at ang pagpapalawak ng kalsada para magkaroon kayong mga taga-Baseco ng sariling Baywalk na papasyalan,”  ani Lim.

Sa ngayon, itinatayo naman ang  Senator Ninoy Aquino High School, kalapit lamang ng Corazon Aquino High School para sa libreng pag-aaral.

Maging ang simbahan ay itatayo sa 1,000 square-meter na lupa. Ikinatuwa naman ito ni Bishop Roderick Pabillo.

Una nang ipinatayo ni  Lim  sa Baseco ang playground, health cen­ter at lying-in clinic.

BASECO

BASECO COMPOUND

BISHOP RODERICK PABILLO

CORAZON AQUINO HIGH SCHOOL

JOEY UY

JOSIE SISCAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with