^

Metro

2 holdaper todas sa shootout

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Patay ang dalawang holdaper na riding-in- tandem matapos na makipagbarilan sa mga pulis kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng baril sa katawan ang mga suspect na tinatayang nasa 32-35-anyos,  may taas na  5’4 hanggang 5’6, naka­suot ng maong pants, puting t-shirt, pulang jacket habang ang  isa naman ay naka­suot ng jacket, maong pants, may taas na 5’5’’ hanggang 5’7’’ at nasa edad  25 hanggang 30.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Calo­ocan City Police na  dakong alas-9:00 ng gabi nangyari ang  insidente sa Evangelista St., Tirad Pass, Bagong Barrio ng lungsod na ito.

Naglalakad sina Teresita Rimas, 46; at Catherine Pragas, 29, sa nabanggit na lugar nang harangin ng mga suspect na sakay sa motorsiklong walang plaka.

Dito na nagdeklara ng hold-up ang mga suspect at sapilitang kinuha ang mga mahalagang gamit ng mga biktima bago tumakas.

Dahil dito, nagsa­gawa ng follow-up ope­ration ang mga pulis hanggang sa makita ng mga ito ang mga suspect sa  panulukan ng 9th Avenue, P. Sevilla at C. Cordero St., ng na­turang lungsod dakong alas-11:45 ng gabi.

Sinita ng mga pulis ang mga suspect su­balit bigla na lamang nagpaputok ang mga ito, kung kaya’t gumanti rin ng putok ang nasabing mga alagad ng batas hanggang sa  makitang bumulagta ang  mga ito.

Tinamaan naman ang  kaliwang bahagi ng windshield ng Mobile M-162 (SHY-360) ng mga pulis kung saan  nakumpiska sa mga suspect ang dalawang .38 na baril at mga gamit na tinangay mula  sa mga biktima.

vuukle comment

BAGONG BARRIO

CALOOCAN CITY

CATHERINE PRAGAS

CITY POLICE

CORDERO ST.

EVANGELISTA ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with