^

Metro

Wanted na pulis patuloy na nananakot

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Patuloy umano ang paghahasik ng takot ng  pulis na si PO1 Fulgencio Sideco, nakatalaga sa  RHSG-NCRPO sa Bicutan, Taguig City at naninirahan sa  #309 Simon St., Tondo, Manila ma­tapos na makita itong pagala-gala sa lugar habang armado ng matataas na kalibre ng baril.

Ayon sa kaanak  ni Danilo Serrano, 63, napatay ni Sideco, pa­tuloy ang pamamayagpag ni Sideco sa lugar bukod pa sa pagpapadala sa kanila nito ng  mga  death threats sa cellphone.

Tila hindi naman  alintana ng mga pulis na nakasasakop sa lugar ang pananatili ni  Sideco kung saan nakita pa ito ng ilang residente na nagsa­sara ng computer shop.

Nangangamba rin ang pamilya ng biktima na makalabas pa ng bansa si Sideco lalo pa’t may mga kamag-anak ito  sa abroad.

Kahapon ay muling­ dumulog ang mga naulila ni Serrano kay Secretary to the Mayor Rafaelito Garayblas upang makakuha ng  hold departure order  sa Department of Justice at sa Bureau of Immigration.

Ang biktimang si Serrano ay pinatay ni Sideco habang nag­ha­handa sa gagawing pabasa sa kanilang lugar.

Naglaan naman ang pamilya ni Serrano  ng pabuya na P200,000 para sa ikadarakip ni Sideco.

Si Sideco, kasama si PO3 Rommel Fortuno, dating nakatalaga sa Caloocan City Police at residente ng  #783 Int. 62 Raxabago St., Tondo, Manila ay may shoot-to-kill order na inilabas ni Manila Mayor Alfredo Lim.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

CALOOCAN CITY POLICE

DANILO SERRANO

DEPARTMENT OF JUSTICE

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MAYOR RAFAELITO GARAYBLAS

RAXABAGO ST.

ROMMEL FORTUNO

SIDECO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with