Kolektor bulagta sa tandem

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang 23-anyos na kolektor ng pribadong kompanya sa panibagong paghahasik ng lagim ng riding-in-tandem sa Caloocan City kahapon. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Carlo San Jose, collector ng Rusi Motorcycle sa Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan. Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang krimen dakong ala-una ng hapon sa bahagi ng Phase 9, Bagong Silang. Sakay ng motorsiklo ang biktima mula sa pangongolekta ng mga hulugang motorsiklo at pagsapit ng naturang lugar  ay hinarang at pinagbabaril ng mga suspek. Tinangay ng mga suspek ang bag ng biktima na naglalaman ng P15,000 bago nagsitakas sakay ng motorsiklo.

Show comments