^

Metro

Bagets todas sa riding-in-tandem

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Butas ang bao ng ulo ng 16-anyos na bagets makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa basketball court sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Lumilitaw na nanonood ng laro sa basketball court sa Blouva Street sa Barangay Commonwealth ang biktimang si Carlo Morales kasama ang isang kaibigan nang biglang sumulpot ang dalawang suspect at pagbabarilin.

Ayon kay Police Officer 2 Rommel Mayo, nagtamo ng tama ng bala sa ulo at kanang braso ang biktima.

Sinisilip ng mga imbestigador ng pulisya ang anggulong napagkamalan lamang ang binatilyo dahil suot nito ang damit ng kanyang kuya na bago ang insidente ay may nakaaway.

“Hiniram niya yung damit ng kanyang kuya na ang alam ay may nakaaway sa kanilang lugar, kaya akala siguro ng kaaway ay siya kaya siya ang binaril. Hindi pa nga nalalabhan ang damit eh.” sabi pa ni Mayo.

vuukle comment

AYON

BARANGAY COMMONWEALTH

BLOUVA STREET

BUTAS

CARLO MORALES

HINIRAM

LUMILITAW

POLICE OFFICER

QUEZON CITY

ROMMEL MAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with