^

Metro

Holdaper todas sa pulis

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Patay ang isa sa da­la­wang holdaper sa loob ng pampasaherong bus makaraang makipagba­rilan sa isang pasaherong pulis kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Nakilala ang nasawi na si Carlo Barcelon, 35, ng #2472 Tramo St., Pasay City habang nakatakas naman ang kasamahan nito bitbit ang mga nakulimbat.

Sa ulat ng Makati Police-Homicide Section, naganap ang panghoholdap dakong alas-11 ng gabi sa loob ng Alabang Metrolink Bus (TYV-844) habang binabagtas nito ang kahabaan ng EDSA sa Barangay Guadalupe Viejo. 

Nabatid na sakay rin ng naturang bus si SPO2 Herbert Baylon, 29, ng Marikina City PNP.

Lumilitaw na nag-anunsyo ng holdap ang dalawang kalalakihan at isa-isang nilimas ang cellphone, salapi at ibang personal na gamit ng mga pasahero.  

Nang mapalapit kay SPO2 Baylon, dito nagbunot ng baril ang pulis at nagpakilala ngunit tinangka pa rin siyang barilin ng suspek kaya inunahan na niya ito.

Nakipagbarilan din sa kanya ang isa pang holdaper hanggang sa tuluyang makababa ng bus at makatakas. 

Nabawi naman ng ilang biktima ang kanilang mga gamit sa nasawing holdaper na nakalagay na sa itim na bag.

vuukle comment

ALABANG METROLINK BUS

BARANGAY GUADALUPE VIEJO

BAYLON

CARLO BARCELON

HERBERT BAYLON

MAKATI CITY

MAKATI POLICE-HOMICIDE SECTION

MARIKINA CITY

PASAY CITY

TRAMO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with