^

Metro

Mag-asawang Taiwanese dedo sa holdaper

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Napatay ang mag-asawang trader na Taiwanese makaraang pagsasaksakin at martilyuhin ng hindi pa kilalang holdaper kung saan napaslang naman ng mga pulis kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Lin Quing Kai at Chen Xiu Yu, kapwa nakatira sa Phase 2, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Nasagip naman ang 3-anyos na anak na lalaki ng mag-asawa matapos humupa ang hostage-drama.

Kasalukuyang ina­alam ng pulisya ang pagkakakilanlan sa napatay na holdaper kung saan nasa 20 hanggang 35-anyos na nagtamo ng ilang tama ng bala sa katawan matapos na makipagbarilan sa mga ope­ratiba ng pulisya.

Base sa police report na natanggap ni P/Senior Supt. Jude Santos, hepe ng Caloocan City PNP, naganap ang insidente dakong alas-7:40 ng gabi sa U2 Mart and General Merchandise na pag-aari ng mag-asawa.

Lumilitaw na pinasok ng di-kilalang lalaki ang nasabing tindahan habang nagsasara ang mag-asawa.

Tinangay ang mag­hapon kinita ng mag-asawa bago pinagsasaksak at minartilyo pa ang babae.

Nang papatakas na ang suspek ay hindi naman nito mabuksan ang gate na bakal kaya nagpatulong ito sa isang sibilyang naparaan subalit tinangihan siya at humingi ng tulong sa mga awtoridad.

Dito na hinostage ng suspek ang nag-iisang anak ng mag-asawa at nakipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya habang nailigtas naman ang bata.

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

CHEN XIU YU

DITO

JUDE SANTOS

KASALUKUYANG

LIN QUING KAI

MAG

MART AND GENERAL MERCHANDISE

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with