^

Metro

Obrero binoga, inararo pa ng bus

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos na kamatayan ang inabot ng 40-anyos na laborer matapos barilin ng shotgun ng nakaalitang sekyu kung saan nasagasaan pa ng pampasaherong bus nang tumakbo ito kahit may tama na ng bala sa Roxas Blvd. sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Albert Pabaya, binata,  ng #1038 Alhambra St., Ermita.

Tinutugis naman ng pulisya ang suspect na si Rafael Orillo, 34, sekyu ng Merit Security Agency sa 12 Xavierville  Ave., Loyola Heights, Quezon City.

Sa ulat ni SPO1 Gerardo Rivera ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa harapan ng Ramon Magsaysay Bldg. sa Roxas Blvd.

Nagsimula ang insidente nang sitahin ng suspect ang biktima na nagnakaw ng mga construction materials na nakaimbak sa Baywalk. Itinanggi naman ng biktima ang akusasyon hanggang sa mauwi sa mainitang pagtatalo at barilin ng suspek. Kahit may tama na ang biktima ay sinikap pa ring tumakbo subalit sa pagtawid nito ay nahagip ng bus sa north-bound lane kung saan hindi naman tinigilan ng sasakyan.

vuukle comment

ALBERT PABAYA

ALHAMBRA ST.

ERMITA

GERARDO RIVERA

LOYOLA HEIGHTS

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MERIT SECURITY AGENCY

QUEZON CITY

RAFAEL ORILLO

ROXAS BLVD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with