^

Metro

Ex-barangay chairman nilikida

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Sa gitna pa ng karamihan ng tao sa isang Plaza sa Las Piñas City binaril at napaslang ang isang dating barangay chairman sa lalawigan ng Cavite, kamakalawa ng hapon.

Agad na nasawi dahil sa mga tama ng bala ng kalibre .45 sa ulo at katawan ang biktimang si Ramon Ignacio 52, ng Zapote 3, Bacoor Cavite. Mabilis na tumakas ang suspect patungo sa San Isidro, Zapote makaraan ang pamamaslang.

Sa ipinadalang ulat ni Chief Insp. Jenny Tecson, hepe ng Public Information Office ng Southern Police District (SPD), nangyari ang insidente dakong alas-4:05 ng Hapon sa Zapote Plaza, Las Piñas.

Ayon sa testigong si Ri­chard Suliman, bigla na lamang umanong sumulpot sa likuran ni Ignacio ang gunman at hinab­lot ang suot na t-shirt nito bago pinaputukan sa ulo at katawan ng hawak na armas.

Inilarawan ni Suliman ang salarin na nakasuot ng kulay orange na t-shirt, maong pants at nakatakip ng panyo ang mukha na tinatayang nasa pagitan ng 40 hanggang 45 anyos at kaswal lamang na naglakad patungo sa San Isidro St.

Dahil na rin sa pagkabigla, hindi pa makapagbigay ng pahayag sa pulisya ang asawa ng biktima na si Imelda, 43, upang makilala ang suspect at malaman ang motibo sa pamamaslang.

vuukle comment

BACOOR CAVITE

CHIEF INSP

JENNY TECSON

LAS PI

PUBLIC INFORMATION OFFICE

RAMON IGNACIO

SAN ISIDRO

SAN ISIDRO ST.

SOUTHERN POLICE DISTRICT

SULIMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with