^

Metro

Trader patay sa ambush

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay ang isang negos­yante matapos na pagbabarilin ng hindi nakikila­lang gunman habang isa pang lalaki ang sugatan makaraang tamaan ng ligaw na bala sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, nasawi  si Hadji Moner Sultan Ragondo, 43, may-asawa ng no. 17 Bataan St., CP Garcia Heights, Brgy. Holy Spirit sa lungsod samantalang sugatan naman si  Roberto Alcansado Jr., 25, binata ng No. 5 Balud St., Congressional Ave., Brgy. Culiat makaraang tamaan ng ligaw na bala sa hita.

Base sa ulat ni PO2 Jogene Hernandez, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may harap ng Puregold Commonwealth malapit sa Luzon Ave., Brgy. Old Balara ganap na alas 8:30 ng gabi.

Ayon kay Baira, asawa ng biktima, nag-aasikaso siya ng kanilang customers sa tindang RTW nang makarinig ng malakas na mga putok ng baril.

Di-kalayuan sa kanilang pwesto ay natanaw niya ang asawa na tumatakbo habang duguan ang katawan hanggang sa tuluyan na itong bumuwal sa kalye.

Agad siyang humingi ng tulong sa mga istambay at itinakbo ang asawa sa Quezon Memorial Medical Center pero idineklarang patay makalipas ang ilang minuto.

Naghihintay naman noon ng masasakyang jeepney papauwi si Alcansado nang tamaan ng bala sa hita na dinala naman sa General Malvar hospital hanggang sa ilipat sa East Avenue Medical Center para malapatan ng lunas.

Nagsasagawa pa rin ng  follow-up operation ang  pulisya upang matukoy ang  suspect.

vuukle comment

AYON

BALUD ST.

BATAAN ST.

BRGY

CONGRESSIONAL AVE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

GARCIA HEIGHTS

GENERAL MALVAR

HADJI MONER SULTAN RAGONDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with