^

Metro

Ex-police dakma sa tangkang pagpatay sa apo

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Isang dating pulis ang naghihimas ngayon ng rehas­ na bakal nang tangkain nitong lunurin sa isang timbang tubig ang kanyang paslit na apo kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 7610, child abuse ang suspect na si Luis Llegado, 40, ng Don Carlos  Village, Brgy. 190 ng nabanggit na siyudad.

Ayon sa Pasay City Police Women’s Desk and Protection Section, nagtungo si  Brgy. Chairwoman Alma Pitchay sa kanila matapos na humingi ng tulong ang kamag-anak ng biktimang si John Dave Mercolita, 1.

Bago ito, nagalit ang suspect nang paglaruan umano ng bata ang naka­babad na labahin.

Bilang parusa, tinangkang lunurin ng suspect ang sariling apo sa isang timbang tubig, na nakita naman ng kanilang kaanak na agad na humingi ng tulong.

Pinaaresto ni Pitchay sa kanyang mga tanod ang suspect kung saan pina­tawag din ang mga magulang ng bata.

Pinayuhan ni Pitchay ang suspect na humingi na lamang ng tawad, subalit nagmatigas ito.

Dahil dito, napilitan si Pichay na dalhin  sa Pasay City Police ang suspect at ipakulong.

vuukle comment

BRGY

CHAIRWOMAN ALMA PITCHAY

DESK AND PROTECTION SECTION

DON CARLOS

JOHN DAVE MERCOLITA

LUIS LLEGADO

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

PASAY CITY POLICE WOMEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with