^

Metro

Parak tigok sa holdaper

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nagbuwis ng buhay ang isang kagawad ng Northern Police District (NPD) nang barilin ng mga holdaper matapos na saklolohan ang mga pasahero ng jeep sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang biktimang si PO2 Joel Magno, 33, ng Navotas Police Station at  residente ng #840 Antipolo St., Sampaloc habang naka­takas naman ang apat na arma­dong kalalakihan na sakay ng tricycle.

Sa ulat ni SPO2 Ronald Gallo ng Manila Police District- Homicide Section, dakong alas-9:20 kamakalawa ng gabi naganap ang insidente sa ka­habaan ng J. Marzan St., Sampaloc, Maynila.

Kausap ng biktima ang isang  Carlo Mijares, sa J. Mar­zan St. nang marinig nito ang paghingi ng tulong ng isang babae kaya agad na rumesponde sa nasabing dyip, subalit lingid sa kanya ay nakababa na ang mga suspect sa dyip at papa­lapit pa lang ang biktima ay agad na itong binaril sa ulo ng isa sa mga suspect habang nakatalikod.

Nang masigurong patay na ang biktima ay agad ding tuma­kas ang mga suspect sakay ng tricycle.

Nabatid na isang saleslady na si Marieta dela Rosa ang hu­mingi ng saklolo at kabilang umano sa natangay ng mga suspect ang dalawang cellphone na Galaxy Y ng Samsung at Nokia 1280, bukod pa sa dalawang tseke ng Banco De Oro, at cash na P800.

Kaugnay nito, iniutos na ni MPD Director Chief Supt.  Alejandro  Gutierrez sa  kanyang mga tauhan na tugisin ang mga suspect na ang modus operandi ay magkukunwaring mga pasahero ang ilan at driver at maglilibot sa bisinidad ng Sampaloc at kalapit na lugar at kung nakakakuha ng pagka­kataon ay isasagawa ang pang­hoholdap sa kanilang matsa­tsambahan.

ANTIPOLO ST.

BANCO DE ORO

CARLO MIJARES

DIRECTOR CHIEF SUPT

GALAXY Y

HOMICIDE SECTION

JOEL MAGNO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with