^

Metro

Kasong homicide kinuwestiyon: VACC sumugod sa DOJ

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Sinugod ng  may 50 miyembro ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang Department of Justice para iprotesta ang kasong pagpatay kay Noel Orate Sr.

Ito’y makaraang paboran ng DOJ ang kasong homicide na nauna nang isinampa noong Marso ng Quezon City Police District laban sa suspect na si Bulacan Provincial Board Member Romeo Allan Robes matapos ang isinagawa nitong reinvestigation.

Bitbit ang mga tarpaulin na nananawagan para sa katotohanan at hustisya para kay Orate, nagprotesta ang VACC kasama ang anak ng biktima na si Noel Orate Jr.

Umapela ang nakababatang Orate kay Justice Secretary Leila de Lima na pag-aralang muli ang kaso ng kanyang ama dahil naniniwala silang murder ang dapat na inihain laban kay Robes.

Dapat aniyang suriing ma­buti ang ulat ng Scene of the Crime Operatives ng pulisya, gayundin ang pananaw ng forensic expert na si Raquel Fortun na nagsabing binaril ng malapitan ang biktima. Maging ang ulat ng National Bureau of Investigation na nagsabing kahit nakahandusay na ang kanyang ama ay dalawang ulit pa itong binaril ni Robes.

Sinabi ni Noel na maghahain ang kanilang abogado na si Atty. Doy Bringas ng mosyon o petisyon para hili­nging baligtarin ang naunang resolusyon ng DOJ. Ang biktima ay namatay bunsod ng mga tinamong tama ng bala ng baril Pebrero 10 sa bahay ng dati niyang kasintahan na si da­ting Congresswoman Nanette Castelo Daza sa lungsod ng Quezon.

BULACAN PROVINCIAL BOARD MEMBER ROMEO ALLAN ROBES

CONGRESSWOMAN NANETTE CASTELO DAZA

DEPARTMENT OF JUSTICE

DOY BRINGAS

JUSTICE SECRETARY LEILA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NOEL ORATE JR.

NOEL ORATE SR.

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RAQUEL FORTUN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with