^

Metro

Brgy. Captain tiklo sa droga

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang barangay chairman ang naaresto ng tropa ng  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa pagbebenta ng 50 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu sa isinagawang entrapment operation sa Makati City kamakalawa.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gu­tierrez Jr. ang suspect na si Rey­naldo Rosaban, alyas Kap, 44, ng Brgy. 117, Zone 14 sa Pasay City.

 Naaresto si Rosaban ng mga operatiba ng PDEA National Capital Region (PDEA-NCR) sa pamumuno ni Director Pedrito Magsino na nagsilbing poseur-buyer.

Nangyari ang buy- bust operation sa may kahabaan ng Arnaiz Ave­nue corner Evangelista St., Makati City pasado alas-4 ng hapon.

Matapos ang palitan ng items ay agad na dinamba ng mga nakaantabay na operatiba ang barangay captain kung saan nakuha sa kanya ang 50 gramo ng shabu.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Section 5 (sale), Article II of Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.  

Nakapiit ngayon ang suspect sa PDEA custo­dial facility habang inihahanda ang court order para rito.

ARNAIZ AVE

DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY JOSE S

DIRECTOR PEDRITO MAGSINO

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

EVANGELISTA ST.

MAKATI CITY

NATIONAL CAPITAL REGION

PASAY CITY

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with