^

Metro

Bus vs dyipni: 1 patay, 4 sugatan

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang lalaki ang patay habang apat pa ang sugatan nang magsalpukan ang isang public uti­lity vehicle at isang pampasaherong bus sa may Quirino highway lungsod Quezon, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa ulat ni PO3 Ferdinand Pagli­nawan, District Traffic Enforcement Unit (DTEU) nakilala ang nasawi na si Rolando Hernando, nasa hustong gulang at walang tiyak na tirahan.

Habang ang mga sugatan naman ay sina  Ariel Licuda, 31; Roy Durano, 41; Mark Joseph Monreal, 25; at Annie Rose Quizon, 25, pawang mga ginamot sa Novaliches District Hospital.

Nangyari ang insi­dente sa may Qui­rino highway ga­nap na alas 7:30 ng umaga.

Diumano, minamaneho  ng isang Michael Jae Permejo, 22 ang isang pampasaherong jeepney (TWG-956) at tinatahak ang  nasabing highway mula Novaliches Proper patu­ngong Min­danao Ave­nue nang pagsapit sa  panulukan ng Nitang St. ay tinangka nitong mag-overtake sa isang sasakyan.

Sumalpok ito sa kaliwang bahagi ng pampasaherong bus na Admiral (PYG-956) na minamaneho ni Renato Balasabas, 36.

Dahil sa impact, dalawa sa pasahero ng PUJ ang nasa unang bahagi nito ang tumilapon at bumagsak sa bangketa kung saan isa sa mga ito ang nasawi.

Agad ding isinugod sa naturang ospital ang mga sugatang biktima.

vuukle comment

ARIEL LICUDA

DISTRICT HOSPITAL

FERDINAND PAGLI

MARK JOSEPH MONREAL

MICHAEL JAE PERMEJO

NITANG ST.

NOVALICHES

RENATO BALASABAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with