2 dedo sa tandem

MANILA, Philippines - Dalawa-katao ang iniulat na nasawi sa naganap na magkahiwalay na pamamaril ng riding-in-tandem sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Redginald Mangalili, 36, ng #017 Dear St. Brgy Commonwealth; at Gina Donado, 34, negosyante, ng #31 Fortune St. Barangay Payatas, Quezon City.

Ayon sa pulisya, si Mangalili ay binaril sa harapan ng Primitive dot Internet Cafe sa panulukan ng Dear St. at Don Fabian Street. Samantala, bandang alas-7:45 ng gabi nang lapitan at ratratin si Donado sa harapan ng kanyang bahay sa Fortune Street sa nasabing barangay. Mabilis naman tumakas ang gunmen lulan ng motorsiklo.

Show comments