Barangay tanod nilikida
MANILA, Philippines - Napatay ang 47-anyos na barangay tanod matapos ratratin ng dalawang di-kilalang kalalakihan sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.
Namatay habang ginagamot sa FEU Hospital matapos mapuruhan ng bala sa noo ang biktimang si Ruben Balaton ng Phase 5, Bagong Silang sa nabanggit na lungsod. Sa imbestigasyon ng Station Investigation Division (SID), Caloocan City PNP, naganap ang krimen dakong alas-7 ng gabi sa tapat ng bahay ng biktima.
Lumilitaw na kausap ng biktima si Joan Baudi nang lapitan at pagbabarilin.
- Latest
- Trending