200 kilong botcha nasamsam
MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang nakatunog ang mga tindero sa pagsalakay ng mga tauhan ng National Meat Inspection Service sa Paco Market, Maynila kaya inabandona sa katabing basketball court ang may 200 kilong botcha o double dead na karne, kahapon ng umaga.
Sinabi ni Dr. Rolando Marquez ng NMIS na sorpresa naman ang pagsalakay sa nasabing palengke kaugnay sa impormasyong patuloy pa rin ang pagbebenta ng botcha subalit wala na silang nadatnang tindero at nagmamay-ari ng mga nakaparadang plastic na naglalaman ng karne na nangingitim at mabaho na.
Binalaan na lamang ni Marquez ang publiko na siguruhing sariwa at awtorisadong tindahan ang pagbibilhan ng karne lalo ngayong mainit ang panahon, kung saan patuloy pa rin ang mga nagbebenta ng karne kahit wala silang freezer sa puwesto.
Dapat din na makiisa ang publiko sa pagbibigay ng tip sa NMIS hotline 9274053 hinggil sa mga nagtitinda ng botcha.
- Latest
- Trending