^

Metro

Ex-barangay chairman dedo sa tandem

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Muli na namang nalusutan ng riding-in-tandem ang mga operatiba ng pulisya makaraang pagbabarilin at mapatay ang 41-anyos na dating barangay chairman kahapon ng umaga sa panulukan nbg Villanueva Park Avenue, Pasay City.

Hindi na umabot ng buhay sa San Juan de Dios Hospital dahil sa dalawang tama ng bala ng cal. 45 pistol sa ulo at dibdib ang biktimang si Joseph Saria ng #2495 Villanueva Street sa naturang lungsod.

Sa imbestigasyon ni PO3 Ronald Prades ng Investigation and Detective Management Section, naganap ang krimen dakong alas-6:35 ng umaga kung saan sakay ng motorsiklo ang biktima patungo sa San Rafael Church.

Nabatid na hinarang ng tandem at pinaputukan ang biktima.

Ayon pa sa imbestigasyon na noong ito ang barangay chairman, naglunsad ng kampanya laban sa mga drug pusher at user na maaaring nasa likod ng pamamaslang.

Si Saria ay kasalukuyang naglilingkod bilang barangay kagawad ng Barangay 88 Zone 9 matapos ang kanyang termino bilang barangay chairman kung saan nagpaplano itong muling tumakbo bilang chairman.

DIOS HOSPITAL

INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT SECTION

JOSEPH SARIA

PASAY CITY

RONALD PRADES

SAN JUAN

SAN RAFAEL CHURCH

SI SARIA

VILLANUEVA PARK AVENUE

VILLANUEVA STREET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with