US Embassy signage winasak ng militante
MANILA, Philippines - Hinagisan ng pintura at pinagsisira ng raliyista ang signage ng United States Embassy sa Roxas Blvd., Ermita, Maynila, kahapon ng umaga bilang mahigpit na pagtutol at pagkondena sa pagsisimula kahapon ng Balikatan Exercise.
Responsable umano rito ang militanteng grupo, partikular ang League of Filipino Students (LFS) na nakaabot pa sa mismong gate ng embahada at winasak ang signages nito. Nagsunog din ng bandila ng Estados Unidos sa harapan ng embahada ang mga militante kung saan nanatili naman sa loob ng embahada ang mga guwardiya na hindi nagtangkang pigilan ang mga nagkikilos protesta.
Umabot ng 20 minuto ang ginawang lightning rally na nagsimula pasado alas-6 ng umaga kahapon. Naisagawa pa ang programa na bumabatikos sa mga Kano, kaugnay sa pagsasagawa ng Balikatan.
- Latest
- Trending