^

Metro

2 aktres ninakawan ng kasambahay

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P.1 milyong halaga ng ari-arian ang natangay sa aktres na si Isabel Oli makaraang pagnakawan ng kanyang bagong kasambahay na sinasabing ninakawan din ang aktres na si Angel Locsin sa Fairview, Quezon City, ayon sa ulat ng pulisya kahapon. 

Ayon kay P/Supt. Virgilio Fabian, nadiskubre mismo ni Ma. Olivia S. Daytia, aka Isabel Oli, 30, ang pagna­nakaw matapos na umuwi ito sa West Fairview ganap na alas-7 ng gabi.

Pinagsususpetsahan ni Oli na ang kasambahay na si Lorna Balila ang tuma­ngay ng kanyang mga ari-arian na sinasabing biglang nawala sa kanyang bahay bago ang pagkakadiskubre ng krimen.

Ayon kay Oli, apat na buwan pa lamang umanong naninilbihan sa kanya ang kasambahay, at nagtiwala siya dito dahil sa naging kasambahay na rin ito ni Angel Locsin.

Huling namataan ang kasambahay na nagtapon ng basura hanggang sa hindi na ito nakita pang muli. 

Kabilang sa nawawalang ari-arian ni Oli ay ang mamahaling relo, dalawang cellphone, camera at hindi nabatid na cash.

“Yung alahas naka-lock kaya hindi n’ya nabuksan, lahat ng nasa labas nawala,” pahayag ni Oli.

Pero ang pagkakamali lamang umano niya ay hindi niya ito naitanong sa ka­samang aktres kaya nagulat siya nang maka­usap niya si Angel Locsin na napagnakawan din ng nasabing kasambahay na sinasabing nagtatago lamang­ sa Kalakhang Maynila.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

AYON

ISABEL OLI

KALAKHANG MAYNILA

LORNA BALILA

OLI

OLIVIA S

QUEZON CITY

VIRGILIO FABIAN

WEST FAIRVIEW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with