^

Metro

'Bonnie and Clyde' wanted

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Pinag-iingat ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) ang publiko laban sa panghoholdap at pangangarnap nina ‘Bonnie and Clyde’ sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay MPD director, Chief Supt. Alejandro  Gutierrez, dalawang insidente ang naitala sa MPD-Anti-Carnapping and Hijacking Unit, kaugnay sa pang-aagaw ng taxi, paglimas sa kita at pagtangay ng cellphone ng driver ng tandem na ‘Bonnie and Clyde’.

Lumilitaw na magpapanggap na pasahero ang tandem hanggang sa tututukan ng babae ng baril ang driver kasabay ng pagkuha ng lalaki ng mga mahahalagang gamit.

Ayon kay Ryan Balino, 31, ng no. 222 Tuberias St., San Juan City, tinangay kahapon ng madaling araw nina ‘Bonnie and Clyde’ ang kanyang taxi na Toyota Corolla na may marking na “World Taxi” na may plakang  PXF-690, Claro M. Recto, Sampaloc, Maynila.

Inilarawan ang lalaking suspect sa  edad 40-45, may  taas na  5’10 at maitim habang ang babaeng suspect ay nasa edad 30-35 at may taas na 5’3 hanggang 5’4.

Ayon kay PO1 Carlito Sy, ng MPD-ACHU, ang dalawang suspect kasama ng isa pang babae ay sumakay sa bahagi ng J. Abad Santos Ave. Bu­maba sa Rizal Ave. sa Sta. Cruz ang kasamang babae habang pinadiretso pa ng dalawa ang taxi hanggang sa pagsapit sa Legarda ay tinutukan na ngba­ril ng mga suspect si Balino at kinuha ang cellphone, P3,000 at tinangay ang taxi.

Sinabi ni Sy na kamakailan ay may nagreklamo hinggil sa  pag-aagaw din ng babae at lalaki sa isang motorsiklo kung saan hinoldap pa ang may-ari nito.

ABAD SANTOS AVE

ANTI-CARNAPPING AND HIJACKING UNIT

AYON

BONNIE AND CLYDE

CARLITO SY

CHIEF SUPT

CLARO M

JUAN CITY

MANILA POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with