Mango Man Triathlon, kasado na

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Multisport Iloilo na magiging maayos at maganda ang Mango Man Triathlon na gagana­pin sa Guimaras ngayong Linggo, Abril 15 kung saan ipakikita sa palaro ang kagandahan ng isla nito at upang ma­itaguyod ito bilang sports tourism destination ng Western Visayas.

Ang Mango Man Tria­thlon ay itinatayang pinaka­malaking human endurance race sa Western­ Visayas na itatanghal ng pribadong grupo ng mga manlalaro. Maipapakita ang kagandahan ng white sand beaches ng Guima­ras sa 1.5-kilometer open-sea swim, ang mga malalagong kabundukan sa 40-kilometer bike ride, at ang rolling terrain sa 10-kilometer run.

Samantala, mayroon din 5-kilometer at 10-kilo­meter Fun Run para sa pa­milya at sa mga interesadong sumali. Ang Mango Man Triathlon ay joint venture ng Probinsiya ng Guimaras, Multisport Iloilo at ng 2012 Manggahan Festival Foundation.

Show comments