MANILA, Philippines - Nabuking ang ginawang kahalayan at pagsi-sex slave ng isang 32-anyos na lalaki sa kanyang kapatid na babae matapos itong ireklamo ng pambubugbog kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Nakakulong ngayon sa Caloocan City Police detention cell ang suspect na si Rommel Venezuela, ng Bagong Barrio East habang itinago naman sa pangalang Alexandra, 27, ang biktima.
Sa report ng Caloocan City Police, dakong alas-8 ng gabi nang ireklamo ng biktima ang suspect na kanyang kuya dahil sa ginagawang panggugulpi nito. Habang iniimbestigahan, ibinunyag ng limang taong gulang na anak ng biktima ang panggugulpi at pagsasamantala ng suspect.
Dahil dito, napilitan nang umamin ng biktima na ginawa siyang sex-slave ng kanyang kuya hanggang sa nagbunga ang kahalayan ng suspect na ngayon ay nasa tatlong taong gulang na.
Nabatid na hiwalay na sa kanyang asawa ang biktima at ang suspect na mismong kuya nito ang kanyang kinakasama ngayon.