^

Metro

Holdaper bulagta sa shootout, 1 nakatakas

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isang 25-anyos na holdaper ang napatay nang makipagpalitan ng putok sa mga pulis matapos ang ginawang panghoholdap kasama ang isa pang holdaper na nakatakas sa pro­seso ng engkwentro, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Tadtad ng bala sa katawan nang bumu­lagta ang holdaper na si Marlon Espinar, ng #969 Bo.Obrero, Tondo, Maynila habang nakatakas ang kasama nitong nangholdap sa biktimang si Maribeth Dumawit, 35, ng #1045 Kasipagan St., Tondo, Maynila na natanga­yan ng kanyang bag na naglalaman P3,050. cash  at Nokia 1208.

 Sa ulat ni SPO2 Ronald Galoo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-9:30 ng gabi ng Biyer­nes nang maka-engkwen­tro ng grupo ni P/Supt. Ernesto Tendero, hepe ng MPD-Station 2 ang dalawang holdaper sa panulukan ng Jose Abad Santos Avenue at C.M. Recto, sa Tondo.

Tinutukan ng baril ng suspect ang biktima at puwersahang inagaw ang bag at tumakas.

Namataan naman ng police mobile car ang biktima kaya hinabol ng grupo ni Tendero ang dalawa at sinita subalit patuloy sa pagtakbo at pinaputukan pa sila ni Espinar kaya ginantihan ng putok ng mga awtoridad.

Nabawi kay Espinar ang bag ng biktima at mga laman nito.

vuukle comment

BIYER

ERNESTO TENDERO

ESPINAR

JOSE ABAD SANTOS AVENUE

KASIPAGAN ST.

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARIBETH DUMAWIT

MARLON ESPINAR

MAYNILA

RONALD GALOO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with