^

Metro

Pulis na wanted patung-patong ang kaso

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Isa sa dalawang pulis na may shoot-to-kill order mula kay Manila Mayor Alfredo Lim ang na­diskub­reng may patung-patong na kaso matapos na personal na ayudahan nina city legal officer Atty. Renato Dela Cruz at chief of staff at media bureau chief Ric de Guzman.

Ayon kay Lim, inata­san niya sina Dela Cruz at de Guzman na ituloy ang kaso laban kay PO1 Fulgencio Sideco ng RHSG-NCRPO sa Bi­cu­tan, Taguig City at re­si­dente ng No. 309 Simon St., Tondo, Maynila, matapos pagbabarilin ng 12 beses si Danilo Serrano, 63, noong Abril 3.

Sinabi ni Lim na lumi­litaw na tambak ang kaso ni Sideco sa Manila Pro­secutor’s Office kabilang na ang illegal dis­charge of firearm na isinampa ng isang Lowie Reyes noong Disyembre 26, 2011 at physical injury na isinampa ni Ana Rose Narvaez noong Pebrero 6, 2012. Hindi naman malaman ang dahilan ng pagkakabasura ng reklamo ni Roberto Elmar kay Sideco na physical injuries at grave threats noong Agosto 17, 2011.

Pinaalalahanan din ni Lim ang kapulisan sa pangunguna ni Manila Police District Director Chief Supt. Alex Gutierrez na doblehin ang pag-ii­ngat lalo pa’t mapanganib at armado sina Sideco at PO2 Rommel Fortuno.

Nabatid kay Homicide Section chief Joey de Ocampo, na si Sideco ay armado ng M-16 at .9mm pistol habang si Fortuno ay may dalang 12-gauge shotgun at baril.

ALEX GUTIERREZ

ANA ROSE NARVAEZ

DANILO SERRANO

DELA CRUZ

FULGENCIO SIDECO

GUZMAN

HOMICIDE SECTION

LOWIE REYES

SHY

SIDECO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with