^

Metro

Dean ng PUP natangayan ng P1.3 milyong halaga ng alahas

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Dumulog sa tanggapan ng Manila Police District-Theft and Robbery Section ang isang dean ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) makaraang pagnakawan ng kanyang ka­sam­­bahay ng mga antique na alahas at pera na nagkakahalaga ng P1.3 milyon, sa Bacood St., Sta. Mesa, Maynila.

Sa reklamo ni Cecilia Mercado, dean ng school of accountancy, 63, ang mismong housemaid niyang si Arlyn Mangandi, 18, tubong Malasiqui, Pan­gasinan, ang pina­ni­ni­walan niyang nagna­kaw ng diamond ring na may halagang P500, 000; gintong ku­wintas na P100,000; at pares ng diamond earrings na nagkakahalaga ng P300,000; at bracelet na nagkakahalaga ng 10,000 at marami pang iba.

Sa pahayag kay Insp. Jimmy Labarda, lu­ mayas umano ang kaniyang katulong at hindi akalain na noong nakalipas na Lunes ay madidiskubre na nakabukas ang cabinet niya at wala na ang mga alahas at pera.

Posible umanong gi­nagawa ng suspect ang paunti-unting pag­nanakaw sa tuwing uma­­­­ alis ng bahay si Mer­­cado hanggang sa tuluyang lumayas.

ARLYN MANGANDI

BACOOD ST.

CECILIA MERCADO

DUMULOG

JIMMY LABARDA

MALASIQUI

MANILA POLICE DISTRICT-THEFT AND ROBBERY SECTION

MAYNILA

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with