^

Metro

Dalaga todas sa rambol

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang 19 anyos na dalaga ang patay maka­raang pagsasaksakin ng isa sa tatlong kalala­kihan sa isang insidente ng rambulan ng mga kabataan sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, nakilala ang biktima na si Mycha Shadel Vinoya, estudyante, ng 119 Odigal St., Brgy. Commonwealth sa lungsod.

Mabilis namang tumakas ang suspect na nakilala lamang sa pangalang “Fermin” ng Mango St. kasama ang dalawa pang lalaki.

Sa ulat ni P02 Hermogenes Capili, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Commonwealth Avenue, at kanto ng Pacemora St., ganap na alas-11:45 ng gabi.

Bago ang insidente, papauwi na ang mga testigong sina Allen Alcaraz, Arvie Ogena at Bryan Mark Cullera, matapos na dumalo sa birthday party ng kaibigang si Iries May Dunque kung saan bisita rin ang mga suspect.

Ilang sandali matapos ang inuman ay nagpa-alam ang mga suspect at naiwan sa naturang party ang biktima.

Bigla na lamang hinarang ng mga suspect ang tatlo at pinagbabato, dahilan para pumalag ang mga ito at mauwi ito sa rambulan.

Nasa kainitan ng gulo nang biglang sumulpot si Vinoya, hanggang sa magbunot ng patalim si Fermin at inundayan ito ng mga saksak sa likod at katawan, bago tuluyang nagsitakas patungo sa Litex road.

Agad namang itinakbo sa General Malvar Hospital­ ang biktima, pero makalipas ang ilang minuto ay idineklara din itong patay.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

ALLEN ALCARAZ

ARVIE OGENA

BRYAN MARK CULLERA

COMMONWEALTH AVENUE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

FERMIN

GENERAL MALVAR HOSPITAL

HERMOGENES CAPILI

IRIES MAY DUNQUE

MANGO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with