Misis nag-suicide sa mall
MANILA, Philippines - Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang hindi pa kilalang misis makaraang tumalon mula sa ikatlong palapag ng mall sa Las Piñas City kahapon ng hapon.
Kasalukuyang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng babae na tinatayang may edad 50, may katamtamang pangangatawan, may taas na 5’4 talampakan, nakasuot ng brown na t-shirt at jogging pants, at may tribal tattoo sa pulso.
Sinabi ni P/Senior Supt. Romulo Sapitula, hepe ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-4 ng hapon sa loob ng malaking mall sa Alabang-Zapote Road sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ilang saksi, mag-isang naglalakad sa mall ang biktima at nang sumapit sa may center atrium ay biglang sumampa sa railings bago nag-dive.
Nais pang idamay ng babae ang 2-taong gulang na batang babae na kanyang hinablot pero masuwerte nakahulagpos ito bago tuluyang tumalon ang biktima.
Nagawa pang isugod ang babae sa Las Piñas Medical Center kung saan hindi na ito umabot ng buhay.
Nakikipag-ugnayan naman sa pamunuan ng mall ang pulisya upang mapanood ang CCTV footages para mabatid ang tunay na kaganapan.
- Latest
- Trending