Sapat na suplay ng tubig

MANILA, Philippines - Magkakaroon na ng sapat na suplay ng tubig sa Muntinlupa City matapos makumpleto ng Maynilad Waters ang P57 milyong proyekto. Ang naturang proyekto ay kinapapalooban ng  pipe-laying project sa San Jose Subdivision at South Greenheights Subdivision sa Muntinlupa City. Gayundin ang paglalagay ng tubo ng tubig na may 18 kilometrong mag-uugnay sa dalawang nasabing lugar na dumaranas ng kakapusan sa suplay ng tubig. Magugunita na noon kinakapos ng suplay ng tubig ang mga residente ay gumagastos sila ng P1,200 kada buwan sa water de­liveries mula sa private vendors.

Show comments