Granada, patalim nasamsam

MANILA, Philippines - Kalaboso ang binagsakan ng 30-anyos na lalaki matapos masakote ng pulisya na may bitbit na granada at patalim sa bahagi ng Brgy. Bagong Silang sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw. Nahaharap sa kasong illegal possession of explosives at deadly weapon ang suspek na si Francis Nava  ng Phase 8-B sa nasabing barangay. Sa police report na natanggap ni P/Senior Supt. Jude Santos, hepe ng Caloocan City PNP, lumilitaw na nagpapatrolya ang mga pulis sa Phase 8 nang mamataan ang suspek na may kahina-hinalang kilos. Agad na nilapitan ng mga pulis para sitahin ang suspek kung saan hindi na nakapalag matapos makumpiskahan ng granada at balisong.

Show comments