^

Metro

ITS sa Metro Manila sinimulan na

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Inumpisahan na ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang paghahanap ng mga lupain sa Metro Manila na pagtatayuan ng Integrated Transport System ng mga pampasaherong bus mula sa North at Southern Metro Manila. Inimbitahan na ng DOTC ang sinumang partido o may-ari ng mga bakanteng lote mula 3 hanggang 7 ektarya na makipag-ugnayan sa ahensya at magsumite ng kanilang mga proposal para pagtayuan ng terminal. Prayoridad umano ng DOTC ang mga lote na malapit sa North Luzon Expressway at sa Coastal Road/Macapagal Boulevard o South Luzon Expressway, maging ang mga lote na nasa 300-metro ang layo sa istasyon ng tren (LRT, MRT at PNR). Tatanggap lamang ang DOTC ng mga proposal hanggang Abril 16, 2012 kung saan maaaring ipadala ito kay Atty. Rene Limcaoco, undersecretary for Planning sa Unit 169, 16F, The Columbia Tower, Brgy. Wack-wack, Ortigas Avenue, Mandaluyong City. Layunin ng ITS project na mabawasan ang matinding daloy ng trapiko sa Metro Manila kung saan hindi na papasok sa Kamaynilaan ang mga provincial bus sa pagkakaroon ng integrated bus terminal sa bukana.  Sa datos ng Metropolitan Manila Development Authority, nasa 13,067 ang mga bus na nagsisiksikan sa Metro Manila kung saan 7,368 (60%) nito ay mga provincial buses. Nasa 85 naman ang bus terminals sa Metro Manila kung saan 46 nito ay nasa EDSA na isa sa dahilan ng matinding trapiko.

COASTAL ROAD

COLUMBIA TOWER

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

INTEGRATED TRANSPORT SYSTEM

MACAPAGAL BOULEVARD

MANDALUYONG CITY

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NORTH LUZON EXPRESSWAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with