Mister nag-suicide

MANILA, Philippines - Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 50-anyos na lalaki matapos magbigti sa loob ng kanilang bahay noong Huwebes Santo ng madaling araw sa Navotas City. Lumalabas sa imbestigasyon ng Navotas City PNP, dakong alas-12:30 ng madaling-araw  nang makitang nakabitin sa loob ng kanyang kuwarto ang biktimang si Juan Torres ng Phase 1-C Dagat-Dagatan. Humingi naman ng tulong ang ka-live-in na si Anna Maria Suban para makalag sa pagkakabigti ang kanyang kinakasama subalit idinek­larang patay pagsapit sa ospital habang patuloy naman ang imbestigasyo­n.

Show comments