^

Metro

Sekyu dinedo sa harap ng anak at pamangkin

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa 31-anyos na security guard matapos pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa harap ng kanyang anak at pamangkin kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Ayon kay  P/Supt. Rodel Marcelo, hepe  ng Criminal Investigation and Detection Unit ng  QC PNP, kinilala ang biktima na si Darryl Banaybanay y Kalibo ng #423 Don Francisco Street, Villa  Beatriz sa Barangay Old Balara, Quezon City.

Naganap ang krimen  dakong ala-1:20 ng madaling-araw sa bisinidad ng De Leon Street sa Barangay  Holy Spirit.

Lumilitaw na kasama ng biktima ang kanyang anak at pamangkin lulan­  ng  traysikel patungong terminal ng bus mula sa kanilang tahanan.

Nabatid na magpipik­nik sana ang tatlo subalit nawalan ng gasolina ang traysikel kaya nagpasyang maglakad patungong terminal ng bus.

Dito na nilapitan at niratrat ng gunman ang biktima sa harapan mismo ng kanyang anak at pamangkin habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

AYON

BARANGAY OLD BALARA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DARRYL BANAYBANAY

DE LEON STREET

DON FRANCISCO STREET

HOLY SPIRIT

QUEZON CITY

RODEL MARCELO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with