Binata utas sa grupo ng adik

MANILA, Philippines - Pinagtulungang saksakin at mapatay ang 25-anyos na binata matapos ma­pagtripan ng grupo ng kalalakihang adik sa bawal na droga kamakalawa ng madaling-araw sa Caloocan City. Namatay habang gina­gamot sa Manila Central University Hospital ang biktimang si Reggie Janapin ng Maganda St., Barrio Obrero sa nabanggit na  lungsod.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-3 ng madaling-araw sa bisinidad ng Reparo St. kung saan naglalakad lamang ang biktima. Samantala, inaalam naman ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga suspek na sinasabing miyembro ng Sawako Gang.

Show comments