Holdapan sa Semana Santa

MANILA, Philippines -Sa halip na magnilay-nilay at magsisi sa mga nagawang kasalanan sa pagsapit ng Semana Santa ay naisipan pang makapangholdap ng dalawang lalaki ng mga pasahero sa bus sa Mandaluyong City noong Biyernes Santo ng gabi.

Apat sa mga biktima ay nagreklamo sa himpilan ng pulisya na kinilalang sina Jonathan Sison, 25, conductor ng Baclaran Metro Link Bus (TWH-131); Pablo Bedro Jr, 35; Junver Ballon, 31; at si Abe Bullos, 22.

Ayon kay PO3 Amborcio Gam, naganap ang panghoholdap dakong alas-6 ng gabi pagsapit sa panulukan ng Boni Avenue sa Brgy. Barangka Ilaya, Mandaluyong City.

Matapos ang holdap ay bumaba sa bus ang dalawa habang ang mga biktima ay nagreklamo sa himpilan ng pulisya.

Sinabi ni PO3 Gam, hindi man lamang nangi­lin ang mga holdaper kahit na Semana Santa ay naghasik pa ng lagim.

Show comments