^

Metro

Driver, OFW todas sa riding-in-tandem

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Napaslang ang dalawa-katao habang nasa kritikal namang kalagayan ang 16-anyos­ na babae matapos pagba­barilin ng riding-in-tandem sa Valenzuela City kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang dalawang napatay na sina Michael Villasenor, tricycle driver, 26, ng Sta. Lucia Subdivision sa Viente Reales ng nabanggit na lungsod; at Jonathan Obaña, 42, OFW, namatay habang ginagamot sa Meycauayan Doctor’s­ Hospital.

Tinamaan naman ng ligaw na bala sa kanang bahagi ng katawan si Joan Convicto.

Samantala, tugis naman ng pulisya ang suspek na si Gerard Ferdinand Joson, 40; at isang hindi pa kilalang kasama na tumakas lulan ng motorsiklo.

Base sa police report, naganap ang pa­ma­maril dakong alauna ng madaling-araw kung saan nag-aabang ng pasahero si Villa­señor sa nasabing lugar.

Nabatid na si Villasenor ay testigo sa pamamaril ni Joson sa kanyang kaibigang si Michael Thakursing noong Agosto 11, 2011. Nang mabuhay si Thakursing ay pilit silang inaareglo ni Joson subalit tumanggi ang magkaibigan hanggang sa maganap ang pamamaril.

GERARD FERDINAND JOSON

JOAN CONVICTO

JONATHAN OBA

JOSON

LUCIA SUBDIVISION

MEYCAUAYAN DOCTOR

MICHAEL THAKURSING

MICHAEL VILLASENOR

VALENZUELA CITY

VIENTE REALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with