Bata pisak sa pader

MANILA, Philippines - Isang batang lalaki ang namatay matapos madaganan ng gumuhong pader  ng isang inabandonang bahay sa Caloocan City kamakalawa.

Dead-on-the-spot sanhi ng pinsala sa ulo at ka­tawan si Alfrio Rufo III, 6, ng Saint Bernadette, Maligaya Park, Camarin ng lungsod.

Sa pagsisiyasat ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-6:00 ng gabi sa nabanggit na lugar.

Nanonood ng mga na­ngunguha ng bakal ng mga hindi pa kilalang mga lalaki ang biktima sa inabandonang bahay na malapit sa tinitirhan nito,  nang biglang gumuho ang isang parte ng pader.

Minalas na nadaganan ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Lumilitaw na humina ang sementadong parte ng bahay dahil sa madalas na pagkuha ng mga bakal ng mga nangangalakal.

Show comments