Kelot lunod sa swimming pool

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki matapos malunod sa isang swimming pool sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Valenzuela General Hos­pital si Domingo Daigan, 39, ng T. Santiago St., Brgy. Canumay West ng nabanggit na lungsod.

Lumalabas sa pagsi­siyasat, naganap ang in­sidente dakong alas-6:00 ng gabi sa Great Falls Resort sa Brgy. Maysan ng nabanggit na lungsod. Nabatid na kasama ng biktima ang mga kaibigan na naligo sa na­sabing resort.

Nagpapahinga na ang mga kaibigan ng biktima upang maghandang umuwi, nang magpaalam si Daigan na lalangoy pa sandali.

Ilang minuto lang ang lumipas nang magkagulo ang mga ito matapos ma­lunod ang biktima na naging dahilan upang dalhin sa nabanggit na ospital pero hindi na naisalba ang buhay.

Inaalam na ng mga pulis kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

Show comments