May diprensya sa pag-iisip, ni-rape slay
MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang ginahasa muna bago binigti ang isang babaeng may diprensya sa pag-iisip nang matagpuan sa isang bakanteng lote na nakasuot lamang ng panty at blouse sa may Balut, Tondo, Maynila kamakalawa.
Inilarawan ang biktima na nasa edad 35-40, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng kulay brown na blouse at orange na panty.
Natagpuan din malapit sa blouse ng biktima ang isang panyong kulay pink na ginamit na pambigti sa biktima ng hindi nakikilalang suspect na humalay at pumatay dito.
Nabatid na dakong alas-2:00 ng hapon nang matagpuan ng mga naglalarong bata sa bakanteng lote malapit sa Estero de Marala sa may Balut, Tondo, Maynila ang bangkay ng biktima.
Nabatid na palaboy umano sa lugar ang biktima na may diprensiya sa pag-iisip ngunit hindi kilala ng mga residente ang pangalan nito.
Nalaman na may 12 oras nang patay ang biktima nang itapon sa lugar malapit sa tapunan ng basura. Dinala ang bangkay ng biktima sa St. Yvan Funeral Homes para sa awtopsiya.
- Latest
- Trending



















