^

Metro

Salvage victim natagpuan sa QC

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng lalaki na hinihinalang binigti muna bago itinapon sa ilog ang natagpuang palutang-lutang sa bahagi ng Araneta Avenue sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Ayon kay SPO1 Randell Adora ng Quezon City Police-Station 1, tinatayang nasa edad  43-48 ang biktima na may taas na 5’7’’ at nakasuot lamang ng itim na T-shirt at checkered­ na shorts.

Ang biktima ay natagpuan ng mga residente makaraang mapuna ang isang dilaw na lubid na nakausli sa bahagi ng ilog na matatagpuan sa kanto ng Araneta Ave. at Tuktukan St., Bgy. Masambong ng lungsod ganap na alas-7 ng umaga.

Nang tuntunin ang dulo ng lubid ay saka bumulaga sa kanila ang biktima kung saan nakatali ito sa kanyang leeg.

Sinabi ni Adora, sinalvage ang biktima at pinalabas lamang­ na nagbigti ito dahil na rin sa sobrang haba ng ginamit na nylon na lubid bukod pa sa hinihinalang marka ng tali sa magkabilang braso nito.

Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya sa nasabing insidente.

ADORA

ARANETA AVE

ARANETA AVENUE

AYON

BGY

ISANG

MASAMBONG

NANG

QUEZON CITY POLICE-STATION

RANDELL ADORA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with